Reyes, talsik na rin sa US Open 9-Ball
September 22, 2003 | 12:00am
Hindi na naman masaya ang araw para sa mga Pinoy.
Ang huling taong nakatayo na si Efren Bata Reyes ay lumasap ng masakit na 11-10 kabiguan kay Fabio Petroni sa losers bracket at makasama ang matalik na kaibigang si Francisco Django Busta-mante, Jose Amang Parica at Santos Sambajon na manood na lamang sa Chesapeake Conference Center sa Virginia.
Matapos ang isang matagumpay na showdown sa winners side ng round-of-16 kontra kung saan tinalo ni Reyes si Bustamante,11-10, tila naubusan na ang dalawang manlalaro at kapwa lumasap ng kani-kanilang kabiguan para mawala sa kontensiyon.
Natalo si Reyes kay Rodney Morris 11-8 para bumaba sa losers side ngunit nanatiling may pag-asa makaraang pataubin si George San Souci 11-3 para makapasok sa losers final sa Bracket B kontra kay Petroni na namayani naman kay Nick Varner, 11-8.
Tinalo naman ni Varner si Bustamante 11-8.
Si Sambajon na pumasok sa losers bracket nang daigin ni Bustamante, ay nanaig naman kay Donnie Mills11-6 at Luc Salvas 11-10 ngunit tuluyang napatalsik nang igupo ni George San Souci 11-8.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest