Bustamante yuko kay Reyes
September 21, 2003 | 12:00am
Sa isang mahalagang laban ng dalawang greatest pool players of all time, dinaig ni Efren Bata Reyes ang matalik na kaibigang si Francisco Django Bustamante sa isang epikong bakbakan 11-10 at makausad sa final 8 sa winners side ng prestihiyosong US Open 9-Ball championships sa Chesapeake Conference Center sa Virginia.
Mahigpit ang naging laban sa harap ng nananabik na manonood, ngunit hindi naging masuwerte si Bustamante, na may 10-9 bentahe, sa kanyang tangkang kombinasyon na nagbigay ng tsansa kay Reyes na baligtarin ang mesa at maitabla ang iskor sa10-all.
Hawak ang bagong kumpiyansa nakuha ni Reyes ang 11-10 tagumpay at ubusin nito ang rack at nagdala kay Bustamante sa losers side kasama ang dalawang beteranong Pinoy na sina Rodolfo Luat at Santos Sambajon na nanatiling buhay ang pag-asa maka-raang magtala ng impresibong tagumpay.
Si Luat na tinalo rin ni Reyes ay namayani kay Will Stone 11-10 at haharapin si Eric Moore, habang si Sambajon na yumuko kay Bustamante 11-8 ay makakalaban naman si Frankie Hernandez.
Nakasama naman ni Reyes ang beteranong si Jose Amang Parica na nanatili sa winning side makaraan ang 11-2 panalo kay Mike Davis, at Danny Hewitt 11-9.
Naging madrama naman ang engkuwentro sa loob ng Chesapeake nang mapatalsik ang 5-time US Open champion na si Earl Strickland ni Danny Basavich11-10. Nauna rito, natalo din si Strickland kay Fabio Petroni ng Italy 11-9. (Ulat ni Dina Marie Villena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended