^

PSN Palaro

3 Pinay magpapakita sa 15th Asian Athletics Association

-
Sisimulan ngayon ng tatlong Pinay tracksters ang kampanya ng bansa sa pagbubukas ng prestihiyosong 15th Asian Athletics Association (3As) championships sa makasaysayang Rizal Track Oval.

Agad mapapasabak sina Flordeliza Cachero, Mercedita Manipol at Christable Martes sa unang araw ng aksyon sa 4-day event na ito na lalahukan ng record na 41 mula sa 44 member countries ng 3As.

Ang tatlong Pinay ay sasalang sa women’s 10,000-meter run kung saan mahigpit nilang makakalaban si Sun Yingie ng powerhouse China.

Si Yingie ang kasalukuyang may hawak ng Asian Games record na 30:28.26 na kanyang naitala sa Busan Asiad noong nakaraang taon kaya siya ang paborito sa event na ito.

May tatlo pang golds ang paglalabanan ngayong-- women’s triple jump, women’s shotput at sa men’s discuss throw. Sa kabuuan, may 41 gold medals na paglalabanan sa event na ito.

Magkakaroon ng program para sa opening ceremonies kung saan si Tourism secretary Richard Gordon ang panauhing pandangal para kumatawan kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na di makaka-rating dahil sa kanyang maraming gawain.

Bukod kina Cachero, Manipol at Martes, ang iba pang pambato ng bansa sa event na ito ay sina Lerma-Bulauitan-Gabito na sasabak na-man sa women’s long jump. (Ulat ni CVOchoa)<

ASIAN ATHLETICS ASSOCIATION

ASIAN GAMES

BUSAN ASIAD

CHRISTABLE MARTES

FLORDELIZA CACHERO

MERCEDITA MANIPOL

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PINAY

RICHARD GORDON

RIZAL TRACK OVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with