^

PSN Palaro

Salazar lusot sa malamig na klima,sigurado na sa bronze

-
XINJIANG, CHINA--Nilabanan ni Lhyven Salazar ang hindi kaaya-ayang temperatura at nagbunga naman ito ng maganda nang kanyang pigilan ang kalaban at isalba ang kampanya ng RP Team Revicon sa panimula ng kanilang kampanya sa 2003 Xin-jiang International Boxing Championships dito.

Pinigil ni Salazar, kumakampanya sa light flyweight division ang kalabang si Sikymbateb ng Kazakhstan sa third round ng kanilang four round bout nang ihayag ng referee ang Referee-Stopped-Contest-Outclassed desisyon.

"Sobra ang lamig. Kailangang mas matagal na warm-up. Buti na lang at maaga akong naka-pagprepare sa laban," wika ni Salazar, isa sa unang boxers na nagpakita ng aksiyon sa pagbubukas ng tounament.

Ang panalo ay nagdala sa tubong-Bacolod sa semifinals ng kanyang weight class para sa aw-tomatikong bronze medals sa annual tourna-ment, na humatak ng 14 koponan mula sa 11 nasyon.

Tangka ni Salazar ang finals sa Linggo kontra kay Nauman Karim ng Pakistan, silver medalists sa nakaraang taong Busan Asian Games, sa mataas na heavier flyweight division.

Ang tagumpay ni Salazar ang nag-angat sa kahihiyan ng mga Filipi-nos na lumahok dito sa kauna-unahang pagkakataon sa pamamagitan ng suporta ng Philippine Sports Commission, Pacific Heights, ACCEL at Family Rubbing Alcohol, nang tatlo sa iba pang national team aspirants ay nabigo sa kani-kanilang kalaban.

Lumasap sina lightweight Anthony Igusquiza, light welterweight Florencio Ferrer at welterweight Francis Joven ng kab-guan sa pamamagitan ng puntos at tanging si Salazar at apat na iba pang fighters ang nalalabi para sa medalya.

Isang 16-7 pagkatalo ang natikman ni Igusquiza mula sa kamay ng Japanese na si Takashi Uchigama, nagtamo naman si Ferrer ng 12-20 pagkatalo mula kay Jeirmubatu ng Beijing, China, habang pinatalsik naman ng Chinese national team mainstay na si Li Yan si Joven sa bisa ng 19-13.

Dalawa pang RP team aspirants--sina flyweight Violito Payla at featherweight Roel Laguna ang magpapakita ng aksiyon sa Biyernes kung saan makakasagupa naman ni Payla si Guo Xiang ng China at makikipag-basagan ng mukha si Laguna kay Xie Gang ng China.

Aakyat naman sa ibabaw ng lona ang dalawang iba pang fighters na sina Ferdie Gamo at lightmiddleweight Maraon Goles sa Sabado at titipanin ni Gamo si Chen Cehao ng Beijing, China.<

ANTHONY IGUSQUIZA

BEIJING

BUSAN ASIAN GAMES

CHEN CEHAO

FAMILY RUBBING ALCOHOL

FERDIE GAMO

FLORENCIO FERRER

FRANCIS JOVEN

GUO XIANG

SALAZAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with