4th win ikokonekta ng Phone Pals
September 19, 2003 | 12:00am
Ikaapat na sunod na panalo ang nais maikonekta ng Talk N Text na isa sa kasalukuyang mainit na koponan ngayon sa PBA Samsung Reinforced Conference.
Makakasagupa ng Phone Pals ang Purefoods TJ Hotdogs sa tampok na laban sa alas-7:30 ng gabi sa pagdako ng aksiyon sa Cuneta Astrodome.
Sa kasalukuyan, ang Coca-Cola ang may pinakamahabang winning streak na apat na sunod na panalo at ito ang nais pantayan ng Talk N Text sa pamamagitan ng kani-lang tagumpay ngayon.
Namamayagpag ang Tigers sa Group B taglay ang malinis na 4-0 kartada kasunod ang Phone Pals na may 3-1 win-loss slate.
Matapos matalo sa Shell, 101-114, tatlong dikit na panalo ang ipinoste ng Phone Pals laban sa Red Bull, 101-89, FedEx, 94-91 at ang pinakahuli ay sa Alaska, 84-79 sa kanilang out-of-town game sa Urdaneta, Pangasinan.
Walang iba kundi si import Damien Cantrell at Asi Taulava ang sasandalan ngayon ng Phone Pals na makakasama na ngayon si Norman Gonzales na bagamat noon pang nakaraang Biyernes na-reinstate si Gonzales buhat sa indefinite suspension sanhi ng isyu sa drugs, ngayon pa lamang siya makakalaro.
Sa unang sultada, magsasagupa naman ang Shell at FedEx sa alas-5:00 ng hapon.
Hangad ng Express na masundan ang kanilang 103-92 panalo sa Ginebra noong Linggo sa ilalim ng bagong coach na si Bonni Garcia na pumalit kay Derick Pumaren na sinibak ng management.
Muling sasandal ang Express kay Terrence Shannon sa pakikipag-harap sa Shell na babanderahan naman ni Cedric Webber upang makabawi sa dalawang sunod na talo at iangat ang kanilang 1-2 record sa Group B.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am