Depensa sa korona sisimulan na ng San Sebastian vs Letran

Sisimulan ngayon ng five-peat titlist San Sebastian College ang huling yugto ng kanilang pagtatanggol ng titulo para sa ikatlong sunod na titulo.

Magbubukas ngayon ang best-of-three championship series ng 2003 season ng NCAA men’s basketball tournament kung saan ang challenger ng SSC Stags ay ang mapanganib na Colegio de San Juan de Letran.

Nakatakda ang Game-One championship series sa alas-4:00 ng hapon sa Rizal Memorial Coliseum na tiyak na dadayuhin ngayon ng mga taga-Baste at Letranista.

Sa juniors division, maghaharap naman ang MIT Red Robin at CSJL Squires para sa isang knock-out-game sa unang laro sa alas-2:00 ng hapon.

Ang mananalo sa labang ito ang siyang hahamon sa San Beda Red Cubs na naka-bye sa finals at may bentaheng twice-to-beat matapos ma-sweep ang elimination round. (Ulat ni CVOchoa)

Show comments