Malinis na record asam ng Coke
September 17, 2003 | 12:00am
Mamintina ang malinis na record ang nais ng Coca-Cola Tigers, ipagpatuloy ang pagbangon ang pakay ng Purefoods TJ Hotdogs habang ipapagpatuloy naman ng San Miguel Beer at Alaska Aces ang paghahanap ng mailap na panalo.
Ito ang mga senaryo sa pagpapatuloy ng aksiyon sa Samsung-PBA Reinforced Conference sa PhilSports Arena.
Magsasagupa ang Purefoods at Alaska sa alas-5:00 ng hapon habang ang Coca-Cola at San Miguel naman ang maglalaban sa main-game, alas-7:30 ng gabi.
Tanging ang Tigers na lamang ang natitirang koponang wala pang talo matapos mamayani sa kanilang unang tatlong laban at ito ang kanilang itataya sa pakikipagharap sa kapatid na kumpanyang Berrmen.
Matapos ang nakakadismayang performance ni Eric Dailey, muling ibabalik ng San Miguel si Shea Seals na inaasahang nakarekober na sa kanyang hamstring injury upang makatikim na rin ng panalo ang Beermen.
Anim na puntos lamang ang nagawa ni Dailey na isang malaking dahilan sa paglagok ng San Miguel sa kanilang ikatlong sunod na talo laban sa sister company na Purefoods, 77-78.
Ito ang kauna-unahang panalo ng Purefoods matapos ang dalawang kabiguan na hangad nilang masundan sa tulong ni import Harold Arceneaux.
Kumportableng-kumportable naman ang Tigers kay Artemus McClary na naging malaking susi sa kanilang tatlong sunod na panalo, ang huli ay laban sa Shell, 103-96, matapos pasadsarin ang TJ Hotdogs, 97-87 at Alaska, 103-82.
Hindi naman kahinaan si Alaska import Chris Carrawell ngunit sadyang naging mailap ang suwerte sa Alaska na nakabaon na sa Group A kasama ang San Miguel bunga ng 0-3 record.
Ipaparada na rin ng Alaska si Isaac Fontaine, ang NBA veteran na min-san nang lumaro sa PBA.
Dalawa sa pinakamahusay na scorers ng PBA ang maghaharap ngayon sa PBA King of the Court One-on-One tournament sa Governors division.
Kapwa sisikapin nina Barangay Ginebras Mark Caguioa at Formula Shell gunner Chris Calaguio na makausad sa susunod na bracket para sa players under 6-4 sa dalawang division ng side event na ito na lalaruin sa pagitan ng nakatakdang dalawang laro ng PBA ngayon. (CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am