Valdez, Correa at iba pa umusad
September 16, 2003 | 12:00am
Niyanig ni Diane Valdez ng College of St. Benilde ang lahok ng Ateneo na si Edel Correa, habang naungusan naman ni Arlene Ng ng Philippine Cultural High School si Ana Estela Falcon ng St. Martin sa first LG Table Tennis age-group invitational cham-pionship sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.
Pinayukod ni Valdez, 18-anyos at kasalukuyang WNCAA champion si Correa sa bisa ng 11-5, 11-6, 11-6 panalo sa womens 20-under category, habang dinomina naman ni Ng ang girls 17-under class makaraang iposte ang 11-8, 11-6, 9-11, 11-7 panalo kontra Falcon sa pagsasara ng dalawang araw na qualifiers.
At sa tunggalian naman ng dalawang dating Palarong Pambansa champions, nanaig ang lakas ni Isaias Seronio ng UP sa tikas ni Johanne Remaneses nang kanya itong igupo sa iskor na 11-4, 7-11, 11-6, 11-9, habang pinatalsik naman ni Mark Jimenez si James Borleo ng PAF, 3-11, 11-7, 11-3, 11-7 upang umusad sa mens 30-under category.
Ang iba pang nakasama sa susunod na round ay sina Michael Dalumpines at Jeff Randel Vinas, na nakalusot sa limang set na panalo kontra Kirby Colis, 11-8, 7-11, 10-12, 11-9, 11-6 at Darwin Esguerra ng PAF, 11-2, 9-11, 11-8, 50-11, ayon sa pagka-kasunod.
Ang iba pang umusad sa susunod na round ay sina Edward Ramos ng TATAP na nakaligtas kay Arnel Bautista ng Dagupan, 11-5, 11-7, 11-9 sa mens 20-under class ng event na ito na sponsored ng top electronics firm LG, at idinaos ng IMG sa ilalim ng pangangasiwa ng TATAP.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest