^

PSN Palaro

Paglahok sa Asian trackfest, puhunan nina Buenavista at Bulauitan-Gabito

-
Kapwa umaasa sina long distance runner Eduardo ‘Vertek’ Buenavista at long jumper Lerma Bulauitan-Gabito na magiging puhunan nila ang paglahok sa Asian Athletics Association championships sa kanilang pag-entra naman sa 2003 SEA Games sa Vietnam ngayong Disyembre.

Ang double gold medal winner sa nakaraang Kuala Lumpur event, dalawang taon na ang nakakaraan na si Buenavista ay lumahok kamakailan sa World Championship sa Paris, France kung saan ang karagdagang karanasang nakuha ang siya niyang magagamit sa Vietnam SEAG.

Siya ay nagtala ng mabagal na oras na 14:12 segundo sa 5,000 meters kumpara sa kanyang RP mark na 13:58 na kanyang naiposte sa Busan Asian games noong nakaraang taon.

"Ang habol ko lang po ngayon eh makuha ang tatlong event sa Viet-nam," pahayag ng five-foot na tubong Sto. Niño, South Cotabato.

Sinabi ni asst. athletics coach Luisito Artiaga, na bumababa mula sa Baguio City training camp, na plano ng coaching staff sa pangunguna ni Isidro del Prado na isabak si Vertek sa 3,000m steeple-chase, 5,000m at 10,000-meters.

Ayon naman kay Buenavista, siya ay pamil-yar na sa nasabing tatlong disciplines.

Sa parte naman ng host PATAFA president at organizing committee chairman Go Teng Kok, na ibinigay na niya ang desisyon sa coaching staff upang madetermina ang kakayahan ni Buenavista. "I fully support my coaching staff and I know that Buenavista is capable of winning three golds in Vietnam. ‘Wag lang magkakasabay ang event in one day, " paliwanag ni Go.

At sa 2006 Asian Games sa Doha, Qatar, sinang-ayunan naman ni Artiaga ang coaching staff sa kanilang pananaw na pagtuunan ng pansin ang men’s marathon.

"Sana’y naman talaga tumakbo si Vertek sa Milo marathon kaya, pagkatapos ng SEA Games, concentrate na siya sa full marathon."

"Kailangan ko lang po ang full support ng PSC tulad ng vitamins, equipment, uniform, yun lang po," anaman ni Buena-vista.

Lumahok rin si Gabito sa World Championships ngunit tanging sa century dash lamang siya sumali. At ang kanyang matinding pagtutuunan ng atensiyon ay ang mapaangat ang kanyang gold medal winning effort sa Manila Asian Grand Prix kung saan kanyang ginapi ang perrenial favorite Yelena Kochsheycva ng Kazakshtan sa kanyang personal best na 6.48 metro.

vuukle comment

ASIAN ATHLETICS ASSOCIATION

ASIAN GAMES

BAGUIO CITY

BUENAVISTA

BUSAN ASIAN

GO TENG KOK

KUALA LUMPUR

LERMA BULAUITAN-GABITO

VERTEK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with