Red Bull ibinangon ni Burrell
September 15, 2003 | 12:00am
Bagamat hindi impresibo ang mga numero ng bagong import ng Red Bull na si Scott Burrell, ngunit may dala itong pag-asa para sa Barakos.
Naging malaking inspirasyon para sa Red Bull ang pagdating ng NBA veteran na si Burrell para sa 89-74 panalo kontra sa Sta. Lucia kagabi sa PBA Samsung Reinforced Conference sa Araneta Coliseum.
Hindi kinakitaan ng epekto ng jetlag si Burrell, kasama sa 1998 Chicago Bulls team na nag champion kasama sina Michael Jordan at Scottie Pippen, sa pagpapamalas ng kanyang all-around game.
Kumana ito ng 19-puntos, 11 rebounds, 4-assists at anim na steals sa likod ni Davonn Harp na nanguna sa koponan sa pagkamada ng 25-puntos at 12-rebounds.
Ngunit hindi lamang ito ang naging kontribusyon ni Burrell na humalili kay Ramel Lloyd matapos lumasap ng dalawang sunod na talo ang Red Bull.
Dinomina ng Red Bull ang laro nang maaga nilang kunin ang trangko at umabante ng hanggang 33-puntos, 69-36, 2:35 ang oras sa ikatlong quarter na di na nakayanan pang tibagin ng Realtors.
Umangat sa 2-2 record ang Red Bull sa Group B habang lumasap naman ng kauna-unahang talo ang Sta. Lucia sa Group A matapos ang unang dalawang panalo ngunit nanatili pa rin sila sa liderato ng kanilang grupo.
Habang sinusulat ang balitang ito, kasalukuyang naglalaban ang FedEx at Barangay Ginebra.
Sa One-on-One, tinambakan naman ni Tony dela Cruz ng Shell si Rafi Reavis ng Coca-Cola, 23-4.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest