Ipinakita ng 27-anyos na si Jayasinghe ang kanyang matikas na porma sa nakaraang 2002 edisyon ng nasabing tournament maka-raang manguna sa 100-m at 200-m events sa Colombo.
Nagtala ang matangkad na sprinter ng oras na 11.29 segundo upang igupo ang lahok ng China na si Qin Wangpin (11.56) at Uzbek Perepelova Lyubov (11.60).
Sa 200-m naman, siya ay nagposte ng 22.84 upang baligtarin ang kanyang karibal na si Lyubov (23.76) at Yan Jiankui ng China (23.85) para sa kanyang ikalawang sunod na panalo.
Ilang linggo pa lamang ang nakakaraan nagtungo si Jayasinghe sa Madrid, Spain para sa World Cup at kumulekta ito ng bronze sa tiyempong 22.82, na bumura sa Asian championships record na siya rin mismo ang nagtatag.
Kinatatakutan sa Asian continent, ang Sri Lankan ang siya ring nagdomina ng ikaapat na yugto ng 2003 Asian Grand Prix na ginanap sa Manila noong nakaraang Hunyo, 2002. Siya ay makakatanggap ng matinding hamon mula kina Motoka Arai at Kaori Sakagami ng Japan at Thai Orranut Klomdee na magkakatulad sa kanilang isinumiteng 11.45 segundo na kanilang personal best.
Ang 23-anyos namang si Sunita, naging prominente sa Busan Asian Games 1500m nang kanya itong pangunahan matapos ang di magan-dang performance sa nakaraang Sri Lanka championships. Ang kanyang 4:06.03 oras ang bagong games mark at ang kanyang panalo ay magiging napakatamis nang kanyang maungusan ang Asian championships champion na si Borisova Tatiana ng Kyrgystan.