13-anyos na swimmer sumisid ng 3 golds

SAN PABLO--Maningning na sinimulan ng Philippines ang kanilang kampanya sa Southeast Asia Age-group swimming cham-pionships nang sumisid ng siyam na gintong medalya mula sa 32 events upang agad na hawakan ang pangunguna sa eight-team field sa medal tally kahapon sa San Pablo Swimming Center.

At sa hindi inasahang pagka-kataon, naikamada ng bansa ang nasabing malaking tagumpay.

At ang lahat ng ito ay mula sa isang 13-anyos na babaeng man-lalangoy na siyang umagaw ng eksena sa unang araw ng hostilidad.

Lumangoy si Marichi Gandionco, umentra sa kanyang ikalawang international tournament ng panimulang record-breaking per-formance sa 13-14 years-and-under category sa 400m freestyle na naging tulay niya upang walisin ang tatlong laban.

Nagtala ang 13-gulang na si Gandionco, freshman student ng Poveda nang pinakamabilis na oras na 4:29.09 na bumura sa kanyang sariling record na 3:30.69 na kanyang naimarka naman sa Southeast Asian Games tryout.

Muling sumisid si Gandionco ng dalawa pang ginto sa kinaha-punan na languyan nang kanyang dominahin ang 100m fly at 200m individual medley.

Siya ay nagmarka ng 1:05.86 sa 100m at 2:27.75 sa 200m sa IM.

Hindi rin nagpahuli si Luica Dacanay kay Gandionco nang kumubra naman ito ng dalawang ginto, habang tig-isang gold naman ang naisubi nina Evan Grabador, Michael Danila, Sadeq Nehyum Coquia at Lambert Guiriba.

Pinag-reynahan ni Dacanay ang girls 15-17, 100M backstroke at ang girsl 200M individual medley.

Si Grabador ay kumulekta ng gold sa 400m freestyle, at nakopo naman ni Danila, nahirang na most outstanding swimmers noong nakaraang taong meet na ginanap sa Thailand, ang ginto sa boys 13-14, 200m individual medley makaraang mabigo sa naunang dalawang events.

Show comments