^

PSN Palaro

NBL All Stars: Taguig,Pampanga all-Pinoy champ

-
Sa kabila ng pagkakaroon ng tatlong malakas na dayuhang koponan at import-laden M. Lhuillier Kwarta Padala-Cebu, nananatiling matigas sa kanilang desisyon sina coach Danny Gavierres ng Forward Taguig at Pampanga Bulls counterpart Allan Trinidad na magsabak ng pawang All-Filipino sa nalalapit na Burlington-NBL All Stars sa 2003 Trust Classic National Open na nakatakda sa September 11-17 sa New Cebu City Coli-seum.

Ito’y sa dahilang, ang dalawang coach na kapwa naniwala na ang Filipino talent ang siyang angkop na magdadala sa kampanya ng bansa na walang import sa event na ito na inorganisa ng National Basketball League (NBL) at sanctioned ng Basketball Association of the Philippines (BAP).

Samantala, nagpahayag naman ang Ricor Oil Mills ng buong suporta sa bisitang Qatar National Team sa event na ito. Ang Ricor, na pag-aari ng magkapatid na Danny at Andres Go ay nakabase sa Talisay, Cebu.

"We want to help our fellow Cebuanos experience the rare chance to witness quality international basketball that’s why we adopted Qatar."

"It’s better that we go all-local," ani Trinidad. "Karangalan ng bansa ang pinaglalaban dito kaya hindi na kami kumuha ng imports."

Pangungunahan ni Dave Bautista ang Pampanga Bulls, na siyang napiling MVP ng nakaraang NBL 1st National Championship ang kampanya ng kopona para sa Burlington-NBL All Stars kasama ang kapwa niya Mythical Five awardees na sina Robin Mendoza at Jimmy Robillos ng Forward Taguig.

Ang iba pang bubuo sa koponan ay sina Erwin Sta. Maria, Atoy Bernardino at Alfie Dais ng Taguig, Elbert Alberto, at VJ Santos ng Pampanga at Mario Reyes, Rodel Manuel at Rolly Menor ng Spring Cooking Oil’s

vuukle comment

ALFIE DAIS

ALL STARS

ALLAN TRINIDAD

ANDRES GO

ANG RICOR

ATOY BERNARDINO

BASKETBALL ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BURLINGTON

FORWARD TAGUIG

PAMPANGA BULLS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with