Pop Cola, baguhan pero hindi basta-basta
September 9, 2003 | 12:00am
Isang baguhan, pero hindi basta-basta.
Ito ang pagsasalarawan ni PBL commissioner Chino Trinidad sa Pop Cola sa kanilang pagde-debut sa 2003 PBL Second Conference simula sa susunod na buwan.
"Considering the legacy of its sister teams in the PBA, especially the Coca-Cola Tigers, Im sure theyre going to be a force to reckon with right in their first outing in the league," ani Trinidad.
At tulad ng Tigers na naghari sa PBA Third Conference sa kanilang unang season noong nakaraang taon, nais din ng Pop Cola na may patunayan at kahit na anuman ang maging hadlang.
Sa nakaraang pulong noong Agosto,20, inaprobahan ng board ang kahilingan ng San Miguel Corporation na maglagay pa ng isang team sa PBL. Ang Pop Cola ay ang ikalawang teams ng SMC na nagmamay-ari din ng Viva Mineral Water.
Ang Viva ay binuo ng main core ng FEU Tamaraws at nakakuha ng malaking exposures noong nakaraang taon na nagbigay ng ideya sa San Miguel officials na magdagdag pa ng isang team.
Suwerte naman ang Pop Cola na nakakuha ng karapatan sa ilang players sa nagdisbandang LBC team.
Kabilang na dito ang karanasan ni Alex Compton, at Ralph Rivera .
Bukod kina Compton at Rivera nakuha din ng Panthers sina Al Magpayo, Nicole Uy, Harold Cruz, Ricky Calimag, Ronald Capati, Froilan Ba-guion at Joe Dominguez. Si coach Nash Racela ang hahawak sa team.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended