Ito ay ang PBA one-on-one contest, isang klase ng laro na katatam-pukan ng mga pinakatalentong manlalaro sa liga ngayon na gaganapin bago magsimula ang mga regular na laro sa Samsung-PBA Reinforced Conference.
"This going to be an exciting side dish to the already great serving of basketball the third confe-rence has produced so far. Were talking here about the leagues most exciting players going up against each other in a slam bang affair" ani Eala.
May kabuuang P540,-000 pa-premyo ang ipamimigay, kabilang na ang P150,000 bawat kampeon sa dalawang magkahiwalay na divisions--isa sa players under 64 (Governors division) at isa naman para sa 64-and above (Commissioners division).
Ang mga kalahok ng Governors division ay sina Brandon Lee Cablay ng Alaska, Jeffrey Cariaso ng Coca-Cola, Gherome Ejercito ng FedEx, Mark Caguioa ng Ginebra, Rey Evangelista ng Purefoods, Willie Miller ng Red Bull, Joey Mente ng San Miguel, Chris Calagiuo ng Shell, Francis Adriano ng Sta. Lucia at Jimmy Alapag ng Talk N Text.
Sa Commissioners division naman ang maglalaban-laban ay sina Don Allado ng Alaska, Raffi Reavis ng Coca-Cola, Yancy de Ocampo ng FedEx, Jun Limpot ng Ginebra, Kerby Raymundo ng Purefoods, Davonn Harp ng Red Bull, Danny Ildefonso ng San Miguel, Anthony dela Cruz ng Shell, Dennis Espino ng Sta. Lucia at Asi Taulava ng Talk N Text.