Katatagan sa liderato misyon ng UAP
September 8, 2003 | 12:00am
Palawigin pa ang kanilang imakuladang karta at patatagin ang kapit sa liderato ang misyon ng nangungunang University of the Assumption-Pampanga sa muling pagsabak nila ngayon sa aksyon sa pagpapatuloy ng 9th CUSA season basketball tournament sa PMI gym sa Sta. Cruz, Manila.
Tangan ang malinis na 4-0 rekord, ang Pelicans ang tanging koponan sa torneong ito na hindi pa nakakatikim ng kabiguan at sila ay pinapaborang maisukbit ang ika-5 sunod na panalo sa pagharap nila sa St. Jude College ngayong ika-2 ng hapon.
Sa iba pang laro, sisikapin ng PCCr na makabawi mula sa 62-83 pagyuko sa PMI noong Huwebes at maibalik ang sarili sa kontensyon sa pagsalang nila ngayon laban sa naghahanap pa rin ng panalong DLS-AU sa ika-12:30 ng tanghali.
Magtatapat din ang defending champion LPC (2-2) at ang wala pa ring panalong DOMC (0-3) sa isa pang seniors game.
Sa womens, maghihiwalay ng landas ang defending titlist PMI at Trinity College, habang magtitipan ang TIP at CCP, at magsasalpukan ang DLS-AU at PCCr. -(Ian Brion)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended