^

PSN Palaro

Canillo, Mama, 1-2 sa Baguio City Milo Marathon elims

-
BAGUIO CITY -- Sa kabila ng pagtatapos ng beteranong runners na sina Crisanto Canillo at Daud Mama ng 1-2 puwesto sa 20K qualifying run ng 27th Milo Marathon kahapon ng umaga sa Baguio City, tanging dalawang segundo lamang ang nakalilipas, nandoon ang makatotohanang drama na umagaw ng pansin sa women’s side ng karera.

Ibinuhos ng 19-anyos na si Ermelita Castillo, isang senior criminology student mula sa Baguio Colleges Foundation ang kanyang lakas upang ibigay ang pinakamabilis niyang pagtakbo sa kauna-unahang pagkakataon sa 20K na karera upang may patunayan sa kanyang sarili maging sa kanyang atletang kasintahan, ngunit ilang metro na lamang ang layo sa finish line sa Burnham Park ito ay hinimatay, gayunman nagawa pa rin niyang makuha ang nalalabing slot para sa national finals sa Manila.

Gaya ng dapat asahan, muling dinomina ng nakaraang taong champion sa distaff side na si Marychiel Minas, 20-anyos at trackrunner sa Benguet State University ang karera nang kanyang kunin ang pangunguna na hindi na niya binitiwan upang solong tawirin ang finish line at itala ang kanyang back-to-back na panalo sa regional race na siyang huling elimination para sa Luzon.

Pumangalawa ang 23-anyos na si Mildred Sabiano mula sa Cordillera Career Development College matapos ang 1:54:26 na sapat na para sa P6,000 at isang slot sa Milo Marathon finas.

Sa men’s side, pumangatlo ang first timer na si Fernandez Sumacbay mula sa Mountain province nang tapusin nito ang karera sa oras na 1:21.11.

BAGUIO CITY

BAGUIO COLLEGES FOUNDATION

BENGUET STATE UNIVERSITY

BURNHAM PARK

CORDILLERA CAREER DEVELOPMENT COLLEGE

CRISANTO CANILLO

DAUD MAMA

ERMELITA CASTILLO

FERNANDEZ SUMACBAY

MILO MARATHON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with