^

PSN Palaro

Twice to beat asam ng Letran at JRU

-
Nakataya ang twice-to-beat advantage sa engkwentro ng Colegio de San Juan de Letran at Jose Rizal University sa kanilang engkwentro ngayon sa patiklop nang eliminations ng NCAA men’s Basketball tourna-ment.

Nakatakdang magsagupa ang CSJL Knights at JRU Heavy Bombers sa alas-4:00 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng San Beda College at College of St. Benilde sa alas-2:00.

Tabla ang Jose Rizal at Letran sa 8-5 record sa likod ng defending champion San Sebastian College na nakasisiguro na sa bentaheng twice to beat bunga ng kanilang 9-4 record.

Bukod sa makabangon sa five-game losing streak, mahalagang pa-nalo naman ang hangad ng SBC Red Lions upang manatiling buhay ang kanilang tsansang makasama sa Final Four kung saan pasok na ang Stags, Knights at Heavy Bombers.

Kailangang ipanalo ng SBC Red Lions, nasa ikalimang puwesto taglay ang 6-7 karta sa likod ng 7-6 ng walang larong Ma-pua Institute of Techno-logy ang kanilang laban ngayon upang manatili sa kontensiyon.

Sa juniors division, maghaharap ang Red Cubs at Baby Blazers sa alas-11:30 ng umaga habang ang LC Squires at JRU Light Bombers ang tatapos ng aksiyon sa alas-6:00 ng gabi. (Ulat ni Carmela Ochoa)

vuukle comment

BABY BLAZERS

CARMELA OCHOA

COLLEGE OF ST. BENILDE

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

INSTITUTE OF TECHNO

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN

RED LIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with