Pacquiao handa na kay Barrera
September 3, 2003 | 12:00am
Sabik at handa na si International Boxing Federation superban-tamweight champion Manny Pacquiao sa kanyang magiging laban kontra kay World Boxing Council No. 4 Marco Antonio Barrera ng Mexico na malamang na ganapin sa Atlantic City, New Jersey sa Nob-yembre 15.
Ayon sa business manager ni Pacquiao na si Rod Nazario, hindi matatapos ang 12 rounds ang magiging laban ng kanyang alaga kontra sa Mehikano, nang maging panauhin ito sa PSA Sports Forum sa Manila Pavillion Hotel kahapon.
Handang-handa na ito at pinag-eensayuhan ng maigi dahil ito ang kanyang pinapangarap na laban ani Nazario na sinabi ding ang non-fight match nina Pacquiao at Barrera ay tataguriang "Peoples Championship".
Bagamat ito ay isang non-title fight, malaki pa rin ang nakataya dito--ito ay ang karangalan ng dalawang eksplosibong boksingero.
Inaasahang tatanggap si Pacquiao ng $350,000 (kulang-kulang sa P19M) habang ang Mexican hero naman ay $1 million.
Ayon kay Nazario, wala pang Filipino boxer ang nakatanggap ng ganito kalaking halaga kahit kina dating world featherweight champion Luisito Espinosa o ang maalamat na si Gabriel Flash Elorde.
"This is a non-title fight but if we win this one, I can say that Manny Pacquiao will be the greatest Filipino boxer ever because Barrera is one of the best pound-for-pound boxers today," ani Nazario.
"Wala pang Filipino na nakatanggap ng ganitong kalaki sa boxing. I think Luisitos biggest purse ever was $150,000. Not even Elorde kahit na mababa pa ang pera noon," dagdag ni Nazario. (Ulat ni DMVillena)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am