Kapalaran ni Taulava nasa kamay ng BI at DOJ
September 2, 2003 | 12:00am
Nakasalalay sa ihahaing paliwanag ng Bureau of Immigration at Department of Justice (DOJ) kung mapipigilan pa ang pagpapatapon sa labas ng bansa kay Talk N Text star player Asi Taulava.
Bunga ng inihaing petition for temporary restraining order (TRO) ng kampo ni Taulava sa Manila Regional Trial Court na humihiling na pigilan ang pagsipa sa kaniya palabas ng bansa dulot ng pagkakadiskubre sa pamemeke ng mga dokumento upang kilala-ning isang Filipino o may dugong Pinoy.
Dahil dito, binigyan ng limang araw ni Mla. RTC Judge Romulo Lopez ng Branch 34 sina BID Commissioner Andrea Domingo at Executive Director Atty. Roy Almoro upang magsumite ng komento.
Nais ni Taulava na manatili sa bansa sa kabila ng kwestiyunableng citizenship nito.
Sinabi ni acting clerk of court Lydia Rosales na muling itinakda ang pagdinig sa petisyon sa Setyembre 10. Sakaling pagbigyan si Taulava may 20 araw lamang itong protektado ng TRO subalit sa oras na ibasura ang petisyon ay hindi na nito mahahadlangan ang pagpapa-tapon.
Matatandaang si Taulava ay isa lamang sa 11 Fil-Am players ng PBA na may kwestiyunableng citizenship matapos madiskubre na pawang nameke umano ang mga ito ng dokumento upang mapagkalooban ng pagkilala bilang may dugong Pinoy. (Ulat ni Ludy Bermudo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended