Huling slot sa Final 4 asinta ng Mapua
September 1, 2003 | 12:00am
Huling slot sa Final Four ang pagsisikapang tungkabin ngayon ng Mapua Institute of Technology sa kanilang pakikipaglaban sa College of St. Benilde sa pagbabalik ng aksiyon ng 79th NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.
Hawak ang 7-5 win-loss slate, sasagupain ng Cardinals ang Blazers sa ala-1:15 ng hapon na ang kanilang panalo ang siyang magbibigay sa kanila ng karapatang upuan ang ikaapat at huling slot sa Top Four.
Nauna ng naokupahan ang tatlong slot sa Final Four ng defending champion San Sebastian Stags, Jose Rizal College at Letran College.
Kung sakaling mabibigo ang Cardinals, mayroon pa silang isang tsansa na tuluyang mapasakamay ang huling semis slot kung maipapanalo nila ang kanilang laro kontra sa Philippine Christian University sa huling araw ng elimination sa Biyernes.
Bagamat talsik na sa kontensiyon, hindi dapat balewalain ng Cardinals ang Blazers dahil siguradong gagawa ito ng paraan upang maiangat ang kanilang 4-8 kartada.
Kasunod nito, maghaharap naman ang PCU Dolphins at ang UPHR Altas sa isa pang senior game sa alas-3 ng hapon.
Kapwa aasinta rin ng panalo ang kanilang junior counterparts na Baby Dolphins at Altalletes sa kanilang paghaharap sa ala-6 ng gabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended