Reyes umusad, Bustamante bigo sa World Pool Masters
September 1, 2003 | 12:00am
Umusad si Efren Bata Reyes sa quarterfinals ng World Pool Masters sa Hotel Zuiderduin sa Egmond Aan Zee, Holland sa pamamagitan ng 8-3 panalo kay Tom Storm ng Sweden habang hindi naman sinu-werte ang kababayang si Francisco Django Bustamante na yumuko sa hometown hero na si Nick Van Den Berg, 8-6.
Si Reyes, na tumanggap ng pinakamaugong na hiyaw at palakpak mula sa Dutch crowd ay nakalusot sa mahusay ding laro ng 38 anyos na si Storm sa pamamagitan ng kanyang mahika.
Tabla sa iskor na 2-2, ang tanging tagumpay na naitala ni Storm ay sa 9th rack ngunit marami namang pagkakamali na nagdala kay Reyes sa panalo.
Haharapin ni Reyes si 2002 World Pool champion Earl Strickland, ang mainiting Amerikano na nanaig kay Niels Feijen, 8-4 sa isang di-kuwalidad na laban.
Nakipagkarera si Strickland sa 5-0 abante nang makakuha ng tsana si Feijen ngunit sumalto sa mahabang 3-ball, back-to-back combinations na 7-9 sa ikaanim na racks at 5-9 sa 7th at dalawang magkasunod na run outs na tumulong sa batang Dutchman na makalapit ng isang rack, 5-4.
Sumala ang banko ni Feijen sa 2-ball at sa sumunod na rack ay nagtangkang yanigin ang simpleng 8-ball sa corner pocket ngunit pumaltos uli na nagbigay kay Strickland na gumawa ng 7-4. Isa pang nakapanghihinayang na tira sa 5-ball at nagbigay daan kay Strick-land na makaabante.
"This is a tough one to win but Ill have to keep it going" ani Strickland.
"I was a bit lucky today. I have to play good to beat Strickland" wika ni Reyes.
Isang mahusay na performance naman ang ipinamalas ni Van Den Berg para malusutan si Bustamante na harap ng kinakabahang Orange Army supporters ng kalaban.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended