^

PSN Palaro

Buhain, De Jesus nagkasundo

-
Panibagong landmark achievement para sa development ng local sports ang nagawa ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Eric Buhain kahapon makaraang wakasan na ang matagal ng pakikipaglaban sa korte sa pagitan ng PSC at ng Department of Education (DepEd) na kinasasangkutan ng pag-upa ng Brent School’s sa mga pasilidad nito sa loob ng PhilSports Complex sa Pasig City.

Naipuwersa ni Buhain ang compromise agreement kay DepEd Secretary Edilberto de Jesus sa kanyang pagpupunyagi na tapusin na ang labang ito na inabot ng mahigit sa 9-taon at pinarangalan ang Education Secretary para sa kanilang commitment sa mga kabataan at sports development.

"We in the PSC would like to express our deepest gratitude to Secretary de Jesus for his genuine concern for the youth, national athletes and development of local sports, in general," ani Buhain.

Simula noong 1989, ang kontrata ng Brent School ay hindi na ni-renew dahil sa di pagkak-sundo ng nasabing government agency na siyang may legal na karapatan sa mga pasilidad na naging tulay upang maghain sila ng kaso sa korte noong 1994.

BRENT SCHOOL

BUHAIN

CHAIRMAN ERIC BUHAIN

DEPARTMENT OF EDUCATION

EDUCATION SECRETARY

NAIPUWERSA

PANIBAGONG

PASIG CITY

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SECRETARY EDILBERTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with