^

PSN Palaro

Falcons di nakalusot sa Tigers

-
Agresibong depensa ang pinaalpasan ng University of Santo Tomas sa huling bahagi ng laro upang pigilan ang Adamson na madalawahan sila nito matapos ang 64-61 tagumpay kahapon sa 66th UAAP men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum.

Binalikat nina Dondon Villamin at Jemal Vizcarra ang opensa ng Tigers nang pumukol ng krusiyal na tres si Villamin at tatlong free throws naman ang isinalpak ni Vizcarra sa huling 59 segundo ng laro upang maipadama nila ang kanilang paghihiganti matapos na mala-sap ang 57-60 pagyukod sa unang round.

Ang panalo ay ikaapat ng Tigers sa kanilang 10-laro na bahagyang nagpalakas sa kanilang kampanya na makasama pa sa Final Four.

Nauna rito, tumapos si William Johnson ng 22 puntos, habang umiskor naman si Jomar Canuday ng 15 para sa Adamson baby Falcons upang pabagsakin ang UST Tiger Cubs, 82-69 sa junior game. (Ulat ni MREPIZO)

vuukle comment

ADAMSON

AGRESIBONG

ARANETA COLISEUM

DONDON VILLAMIN

FINAL FOUR

JEMAL VIZCARRA

JOMAR CANUDAY

TIGER CUBS

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

WILLIAM JOHNSON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with