Gaganapin din sa buwan ng Oktubre sa Mindanao ang third Mindanao Friendship Games sa Mati, Davao Oriental.
"I am calling on all student-athletes to start horning themselves back to action in time for the Palaro," ani Buhain, na inihayag noong Huwebes ang pagsasagawa ng nasabing school games mula Oct.5-12 sa Mindanao Sports and Civic Center sa Tubod.
Maluwag namang tinanggap nina Lanao del Norte Gov. Imelda Dimaporo at Rep. Bobby Dimaporo ang nasabing development na makakatulong sa gobyerno upang mabura ang di magandang imahe sa Mindanao.
"That way, government would save on cost in the transporting of equipment and other peripherals for both games," ani Buhain.
Ang PSC ang siyang maglalaan ng mga equipment para sa Palaro at Mindanao Games na kapwa idaraos sa nasabing island.
Ilang ulit ng naipagpaliban ang Palaro simula noong nakaraang summer dahil sa magulong situwasyon sa lugar. Ngayon ang Malacañang at PSC ay kapwa kumpiyansa na maisasagawa ang naturang games.