Ang panalo, ika-9 matapos ang 4 na talo ang nagkaloob sa Stags na masolo ang liderato, habang nalaglag naman sa ikalawang puwesto ang Knights sanhi ng 8-5 kartada.
Ang huling laro ng Stags ay ang kanilang pakikipaglaban sa Per-petual Help-Rizal na kung papalarin silang magwagi, ito ang magpapatag sa kanilang kapit a No. 1 spot sa semifinals.
Nauna rito, ibinawi ng Letran Squires ang kabiguan ng kanilang senior counterpart matapos na gapiin ang Staglets, 90-85. (Ulat ni MRepizo)