Puntirya ni Reyes na makamit ang titulo habang hindi rin pahuhuli si Bustamante na kampeon noong 1998 at 2001sa Lakeside sa Essex, England.
Agad mapapasabak sa mabigat na laban si Bustamante sa kanyang pakikipagharap sa home-town hero na si Nick Den Berg na tinalo ni Reyes sa $50,000 winner-take-all International Challenge of Champions sa Connecticut.
May palayaw na "El Niño", si Van Den Berg ay number 1 sa Netherlands makaraang tanghaling itong kampeon sa loob ng 13 beses.
Napagwagian din ni Van Der Berg ang Austrian Euro Tour Stop nang daigin niya sina Bustamante, Ralf Souquet at Johnny Archer.
Natalo lang ito kay Filipino veteran Santos Sambajon, 11-8 sa kata-tapos na Big Apple 9-Ball challenge sa Queens, New York ngunit nagpamalas ng impresibong panalo sa losers bracket bago yumuko sa kababayang si Alex Lely, 11-10 na kasali din sa World Pool Masters na kinabibilangan din ng dalawa pang Dutchmaen na sina Neils Feijin at Rock star Rico Diks.
Paboritong player ni Van Den Berg si Reyes ngunit sa suporta ng orange army ng Dutch inaasahang magbibigay ng mabigat na hamon si Van Der Berg sa kumpare ni Reyes na si Bustamante.
Sa kabilang dako naman, haharapin ni Reyes ang 38 anyos na Swedish na si Tom Storm. (Ulat ni DMVillena)