Tikas ng mga karibal susubukan ng Nationals
August 29, 2003 | 12:00am
Susubukan ng RP Nationals ang tikas ng mga pinapaborang kalaban sa pagpapakita nila ng aksiyon sa nalalapit na 2003 Philippine National Open Championship sa Setyembre 11-17 sa Cebu City.
Kagagaling lamang sa kanilang kampanya sa Hong Kong Super Cup, makakasagupa ng RP Team na gigiyahan ni coach Aric del Rosario ang tatlong dayuhang koponang mahigpit na paboritong magwagi ng korona sa darating na 22nd ABC Mens Championship sa Sept.23-Oct. 3 sa Harbin, China.
Ang tatlong foreign teams na nagkumpirma ng kanilang paglahok sa nasabing event na inorganisa ng National Basketball League (NBL) at sanctioned ng governing (BAP) ang Qatar National Team, Jordan National Team at Chinese Taipei National Team.
Hindi sinasadyang ang RP team ay naihanay sa grupo na kasama ang Jordan at Qatar sa nasabing international tilt kasama ang Japan.
Ang Philippine National Open Championship ang magbibigay kay del Rosario ng tsansa na ma-scout ang kanilang lakas bago pa man sumapit ang ABC Mens tourney.
Ang Qatar ay babanderahan ng six-foot-eight na si Taseen Ismail Mahmoud na tinaguriang The Dunke from Doha nang kanyang trangkuhan ang kanyang koponan sa 2002 ABC Champions Cup sa Malaysia.
Ang Jordan ay pamumunuan ng 69 center-forward na si Zaid Alkhas, habang ang Chinese Taipei ay sasandig sa 68 guard na si Tie Lie kasama ang 611 slotman na si Wu Tai Hao, 69 forward Chiu Chih Yi at ang television actor na si Yen Hsing Su ng My MVP Valentine.
Ang NBL North ay igigiya nina Alan Trinidad ng Pam-panga Bulls at Danny Gavierres ng Forward Taguig, habang ang South ay sa ilalim naman ni Raul Yayoy Alcoseba at Compak Shineway-Ozamiz City mentor Francis Rodriguez.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended