^

PSN Palaro

Solidong pangunguna asam ng Stags

-
Pagpapasolido sa kani-kanilang kapit sa liderato ang itataya ngayon ng defending champion San Sebastian College at Colegio de San Juan de Letran sa kanilang nakatakdang duwelo sa pagpapatuloy ng 79tn NCAA men’s basketball tournament sa Rizal memorial Coliseum.

Kapwa nag-iingat ng 8-4 win-loss slate at magkasalo sa pamumuno, maghihiwalay ng landas ang Stags at Knights sa ganap na alas-2 ng hapong laban.

Ang papalaring manalo sa labang ito ang maghahatid sa unang pu-westo sa Final Four at sa bentaheng twice-to-beat na ipinagkakaloob lamang sa top two teams.

Sariwa pa sa kanilang apat na dikit na tagumpay, inaasahang nasa balikat ng Recto-based squad ang momentum, bagamat naisahan sila ng tropa ni coach Louie Alas sa una nilang paghaharap sa first round ng elimination.

Tinalo ng Knights ang Stags, 73-64 noong Hulyo 14.

Ang karanasang ito ang ayaw ng matikman muli ng Stags kaya’t sa pagkakataong ito, inaasahan na eksplosibong opensa ang pakakawalan ng bataan ni coach Turo Valenzona upang ibangon ang kanilang reputasyon.

Sa isa pang senior game, aasinta rin ang Jose Rizal U ng impor-tanteng panalo kontra sa San Beda Red Lions sa kanilang pagtitipan sa alas-4 ng hapon.

Samantala, ang aksiyon ay bubuksan ng MIT Red Robins at ng Staglets sa alas-11 ng tanghali, bago isasara naman ito ng paghaharap sa pagitan ng Light Bombers at Red Cubs sa alas-6 ng gabi. (Ulat ni MREPIZO)

vuukle comment

FINAL FOUR

JOSE RIZAL U

LIGHT BOMBERS

LOUIE ALAS

RED CUBS

RED ROBINS

SAN BEDA RED LIONS

SAN JUAN

SAN SEBASTIAN COLLEGE

TURO VALENZONA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with