Blue Eagles nilapa ng Bulldogs

Bagamat talsik na sa kontensiyon, nagawa pa ring iangat ng National University ang kanilang respeto nang umiskor ito ng malaking upset na panalo sa pagpapatuloy kahapon ng 66th UAAP men’s basketball tourna-ment sa Araneta Coli-seum.

Kumana ang Bulldogs ng 76-62 tagumpay kontra sa defending cham-pion Ateneo upang tagpasin ang walong sunod na panalo ng Blue Eagles na humila sa kanila upang malaglag sa ikalawang puwesto bunga ng 8-2 kartada na nagbigay daan uli sa pahingang Far Eastern U na masolo ang liderato.

Sumandig ang Bulldogs sa agresibong depensa na kanilang pina-kawalan sa third canto upang limitahan ang Blue Eagles sa dalawang puntos na produksiyon lamang na naging daan upang magtala ng ba-gong all-time low record sa season. Ang dating marka ay ang tatlong puntos na nagawa ng Adamson kontra sa UE Warriors may dalawang taon na ang nakakaraan.

Pinangunahan ni Tolentino ang opensa ng NU sa kanyang tinapos na 24 puntos na sinuportahan naman nina Mendoza at Baguion ng 19 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod upang pigilan ang tangkang pag-sungkit ng Ateneo ng awtomatikong pag-entra sa semifinal. (MRepizo)

Show comments