^

PSN Palaro

Pinoy trackster kailangang pumasa sa time trials

-
Inihayag kahapon ni athletics chief Go Teng Kok na ang sinumang Filipino tracksters na umaasang makabahagi sa 15th Asian Athletics championships ay kailangang makapasa sa huling dalawang time trials na nakatakda sa Sabado sa Rizal track oval.

Ang unang time trials ay ginanap noong Agosto 23.

Ayon kay Go, na kababalik lamang mula sa Paris kamakailan matapos na dumalo sa IAAF Congress na ang unang time trials ay makakatulong sa PATAFA sa pagpili ng natatanging kuwalipikadong runners na siyang ilalahok sa nasabing tournament.

"We are allowed, as host, to field three bets in each event. But it won’t look good filling up the slots if the athletes concerned have mediocre clockings."

Sinabi pa ng PATAFA president na sa halip na ang original na 60 atleta na nakalista, ito ay kanyang tatapyasin sa minimum upang malaman kung anong aasahan para sa 2003 Vietnam SEA Games sa Disyembre.

"We won nine golds, ten silvers and four bronzes in the 2001 Kuala Lumpur event. Now, if only the gold medallists there maintain their norms and the silver medalists improve their own in this Asian championships, we could go for as many as fifteen golds in Vietnam," wika ni Go.

Tanging tinukoy ni Go ay si Lerma Bulauitan-Gabito, ang natatanging silver winner sa nakaraang 2001, na nagdomina ng long jump sa Manila Asian Grand Prix noong nakaraang June sa kanyang impresibong personal best na 6.48 metro. "If she maintains that, she is a sure bet for the gold in Vietnam."

Umabot na sa 35 bansa sa ngayon ang nagkumpirma ng kani-kanilang partisipasyon sa 44 nation sports na nakatakda sa ikatlong pagkakataon sa Manila sa Setyembre 20-23 sa Rizal track oval.

vuukle comment

AGOSTO

ASIAN ATHLETICS

AYON

DISYEMBRE

GO TENG KOK

INIHAYAG

KUALA LUMPUR

LERMA BULAUITAN-GABITO

MANILA ASIAN GRAND PRIX

RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with