Mapua nakapuwang sa Final Four
August 28, 2003 | 12:00am
Sumandig ang Mapua Cardinals sa matatag na pulso ng rookie guard na si Sherwin Co upang matakasan ang mahigpit na labang ibinigay ng San Beda College at iposte ang 64-63 pagkaungos sa pagpapatuloy kahapon ng 79th NCAA mens basketball championship sa Rizal Memorial Coli-seum.
Ang panalo ay nagpatatag sa pag-asa ng Cardinals na mapasama pa sa Final Four nang umangat ang kanilang kartada sa 7-5 kung saan nakatabla nila ang Jose Rizal Heavy Bombers sa ikatlo hanggang ikaapat na posisyon sa standings, habang ang kabiguan ay naglaglag naman sa Red Lions sa No, 5 slot bunga ng 6-6 record.
Humakot si Raymond Dula ng 11 puntos bukod pa ang paghatak ng 22 rebounds, habang nakakuha naman siya ng malaking suporta mula sa rookie forward na si Nathaniel Gonzales at veteran guard na si Christian Guevarra ng tig-10 puntos.
Ngunit ang nagsilbing bayani ng laban ay si Co na siyang nag-angat sa Cardinals nang isalpak niya ang huling puntos sa pamamagitan ng jumper upang hatakin ang 64-61 kalamangan, tungo sa huling 1:03 ng labanan.
Sa junior game, iginanti naman ng kanilang junior counterpart ang Cardinals nang igupo ang MIT Red Robins, 91-82.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am