Dahil puro bagong pangalan yan, inaasahan nating baka mag-create yan ng malaking interest para sa mga basketball fans.
Baka maging pinaka-exciting na conference yan dahil may mga bagong mukha.
Harinawa....
Ang magic number daw kasi ay 8 wins.
Kaya ang anim na may pag-asa pa patungo sa Round of Four ay ang SSC Stags, Letran, San Beda, JRU, MIT Cardinals, at ang UPHR.
Dalawa sa kanila ang matatanggal.
Aba, malapit na ang finals ng NCAA 2003 season....
Kanya-kanya na silang sulutan at bulungan para sa mga junior players.
Yung mga managers ng ibang schools, kanya-kanya nang lapitan sa mga magulang ng mga magagaling na junior players.
In demand na in demand ngayon ang mga junior players lalo na kung magaling na guwardiya, o shooter, o sentro..
Maniwala kayo't sa hindi, pati mga junior players ay inaalok na rin ng mga meaty offers mula sa mga UAAP at NCAA schools.
Kaya may isang junior team coach na nag-reklamo na yung isa niya raw magaling na player eh laging tulala ngayon at hinid makalaro ng maayos. Nalilito raw kasi sa mga offers na dumarating sa kanya.
Hindi malaman kung alin ang tatanggapin kasi nga, matitindi ang offers.
Nakakaloka!
Nararamdaman na niya, malapit na siyang ma-tsugi.
Wala na ring magagawa ang management ng eskuwela dahil ilang taon din naman siyang pinagbigyan pero wala siyang nagawa.
In short, he's on his way out.
Kaya naman maraming ibang coaches ang aali-aligid ngayon sa may-ari ng eskuwela.
Marami ang nag-aambisyon sa puwesto niya....