Frias, Junio nanorpresa sa seeded players
August 27, 2003 | 12:00am
Kapwa sinorpresa nina Wilson Frias at Jaime Junio Jr. ang kanilang seeded na kalaban at umabante sa elite mens singles round-of-16 sa JVC Open Badminton Championships sa Rizal Memorial Badminton Hall.
Tinalo ni Frias si Wally Fernandez, 17-9, 9-15, 15-7 para umabante kontra kay William Gabuelo na nag-walkover naman kay Emerito Cea.
Umiskor naman si Junio ng 15-2, 15-5 tagumpay kontra kay Prospero Aguilar upang umabante naman laban kay Bogie de Guia, winner sa pamamagitan ng deafault kay Michael Huang.
Patuloy naman ang pananalasa ni top seed Ian Piencenaves na namayani kay Richardson Moldogo, 15-0, 15-4 at makakaharap si Ricky Bartolome na nagwagi kay Jonathan Uy, 15-7, 15-2.
Makakalaban naman ni second seed Kennevic Asuncion, nanaig kay Chester Cordero,15-2, 15-3, si Jan Spyro Mijares na iginupo naman si Juancho Pascual, 15-12, 15-8.
Sa ladies singles division, pinatalsik ni Irene Chui si Sandy Banquilles 11-0, 11-0 habang sinibak ni Kathleen Anasco si Aurora Co, 7-11,11-0, 11-5, para umusad sa susunod na round.
Sina Baquilles, Co at Dianah Barbo ay kapwa magkakapantay sa seedings.
Sa mixed doubles category, tinalo ng magkapatid na Kennevic at Kennie Asuncion sina Christopher Conde at Dianah Barbo, 15-0, 15-7 upang umusad sa susunod na round laban naman kina Melvin Llanes at Jeanette Banquilles, na nanaig kina Michael Verdejo at Jelica Molino, 15-2, 15-1.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended