BAP sakit ng ulo ng POC Technical commission

Hanggang sa kasalukuyan, patuloy ang pagmamatigas ng Basketball Association of the Philippines (BAP) sa utos ng technical commission ng Philippine Olympic Committee (POC) para sa kanilang final na line-up na isasabak sa darating na Vietnam Southeast Asian Games sa Disyembre.

Ayon kay RP chef de mission Julian Camacho, ilang beses na nilang sinu-latan ang naturang asosasyon para hingin ang pangalan ng 12 manlalaro na kanilang ipapadala sa nasabing biennial meet, kasama ang prima sa undertaking, ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring tugon ang secretary-genaral na si Graham Lim.

At ang tanging isinagot ni Lim ay hindi nila puwedeng lagdaan ang nasabing u-dertaking ng Technical Commission.

"Lahat ng 381 athletes nakapirma na sa undertaking because this is a requirement by the Philippine Olympic Committee (POC)," pahayag kahapon ni Camacho."If there is a rule, we have to follow that rule."(Ulat ni M. Repizo)

Show comments