At ito ang nakatakdang resolbahin ngayon ng Jose Rizal University at ng nagtatanggol na kampeong San Sebastian College sa kanilang nakatakdang paghaharap.
Ang Heavy Bombers at Stags ay magkasosyo sa three-way logjam para sa unang puwesto kasama ang pahingang Letran College sanhi ng kanilang 7-4 win-loss slate.
Ang magwawagi sa engkuwentro ng Recto-based squad at ng Man-daluyong dribblers ang maglalagay sa kanila sa solong liderato at lalapit sa unang pinto ng Final Four.
Nakatakdang maghiwalay ng landas ang Heavy Bombers at ang Stags sa ala-1 ng hapon matapos ang paghaharap ng kanilang junior counterparts sa alas-11:30 ng umaga.
Kasunod ang isa pang juniors game, ang MIT Red Robins kontra UPHR Altalettes sa alas-3.
Sa isa pang seniors game, ibig naman ng Mapua Tech na tuluyan ng patalsikin sa kontensiyon ang naghihingalong University of Perpetual Help Rizal sa kanilang pang-alas-4:45 ng hapong sultada. (Ulat ni M. Repizo)