^

PSN Palaro

JRU Bombers kontra SSC Stags

-
Habang papalapit na ang pagtiklop ng elimination round ng 79th NCAA men’s basketball tournament, lalong nagiging mahigpit ang labanan ng anim na koponan para sa Final Four.

At ito ang nakatakdang resolbahin ngayon ng Jose Rizal University at ng nagtatanggol na kampeong San Sebastian College sa kanilang nakatakdang paghaharap.

Ang Heavy Bombers at Stags ay magkasosyo sa three-way logjam para sa unang puwesto kasama ang pahingang Letran College sanhi ng kanilang 7-4 win-loss slate.

Ang magwawagi sa engkuwentro ng Recto-based squad at ng Man-daluyong dribblers ang maglalagay sa kanila sa solong liderato at lalapit sa unang pinto ng Final Four.

Nakatakdang maghiwalay ng landas ang Heavy Bombers at ang Stags sa ala-1 ng hapon matapos ang paghaharap ng kanilang junior counterparts sa alas-11:30 ng umaga.

Kasunod ang isa pang juniors game, ang MIT Red Robins kontra UPHR Altalettes sa alas-3.

Sa isa pang seniors game, ibig naman ng Mapua Tech na tuluyan ng patalsikin sa kontensiyon ang naghihingalong University of Perpetual Help Rizal sa kanilang pang-alas-4:45 ng hapong sultada. (Ulat ni M. Repizo)

vuukle comment

ALTALETTES

ANG HEAVY BOMBERS

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN COLLEGE

MAPUA TECH

RED ROBINS

SAN SEBASTIAN COLLEGE

UNIVERSITY OF PERPETUAL HELP RIZAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with