^

PSN Palaro

Kumpiyansa ng Alaska nagbalik

-
Ang pagkapanalo ng Alaska laban sa Coca-Cola sa katatapos lamang na PBA Samsung Invitational Championships ay nagbalik ng nawalang kumpiyansa ni coach Tim Cone.

Matapos dominahin ng Alaska ang late 90s kung saan naitala nila ang mailap na Grand Slam noong 1996, unti-unting bumagsak ang Aces at unti-unti ring napapanghinaan ng loob si Cone.

"After 1998 Asian Games where I only got bronze medal for the Philippines, it gave me a kick," ani Cone. "Then we trade and rebuild the team, I was beginning to think that I lost it. The younger coaches caught up with me. I felt that I lost my confidence," ani Cone. "2001-2002, I was really down."

Tinibag ng Alaska ang kanilang Grand Slam team na binubuo nina Bong Hawkins, Johnny Abarrientos, Poch Juinio at maging si Kenneth Duremdes na naging susi sa kanilang huling titulo noong 2001 All-Filipino ay nagawa rin nilang ipamigay.

Pinalitan ng Alaska ng mga batang players ang kanilang koponan sa katauhan nina Ali Peek, John Arigo, Don Allado, Rob Duat, Mike Cortez, Brandon Lee Cablay at Jon Ordonio.

Unti-unting hinulma ni Cone ang kanyang batang koponan para ibigay sa Alaska ang ika-11 titulo. (Ulat ni Carmela V. Ochoa)

ALI PEEK

ASIAN GAMES

BONG HAWKINS

BRANDON LEE CABLAY

CARMELA V

DON ALLADO

GRAND SLAM

JOHN ARIGO

JOHNNY ABARRIENTOS

JON ORDONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with