Reyes kampeon sa Las Vegas 9-Ball Open
August 24, 2003 | 12:00am
Hindi pa rin nawawala ang mahika ng tinaguriang "The Magician" na si Efren Bata Reyes nang talunin niya si Niels Feijin ng Netherlands, 10-7 sa kanilang finals showdown sa 2nd Gabriels Las Vegas 9-Ball Open sa Riviera Casino sa Las Vegas, Nevada, upang makopo ang tiulo at premyong $10,000.
Si Reyes, na magdiri-wang ng kanyang ika-49th birthday sa Agosto 26 at iniluklok sa Hall of Fame ng Billiards Congress kamakailan, ay umabante sa finals kontra kay Feijin nang pabagsakin nito si Charlie Williams sa winners side at makaganti na rin sa tinaguriang "Korean Dragon na tumalo sa kanya sa Big Apple 9-Ball Challenge sa New York noong nakaraang linggo.
Nalaglag naman ang kumpare at kababayang si Francisco Django Bustamante, na nagwagi ng $50,000 sa International Challenge of Champions sa Connecticut noong nakaraang buwan, makaraang yumuko kay Mika Immonen ng Finland.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended