Hangga't wala si Brown,si Arceneaux
August 22, 2003 | 12:00am
Dahil hindi pa puwede ang 2002 Best Import na si Derrick Brown, naghanap ng pansamantalang kapalit na import ang Purefoods TJ Hotdogs na maaring magbigay ng laban sa kanila sa pagsimula ng third conference sa Agosto 30 sa Baguio City.
May palayaw na "The Show" si Harold Arceneaux, beterano ng French League kung saan naglaro sa Beauvais COB, ay darating sa bansa para ipakita ang kanyang mahika para sa Hotdogs. At kung mahusay malamang na manatili pa sa bansa ng matagal hanggang sa pumwede na si Brown.
Ipinanganak sa New Orleans, ang 65 power forward ay naglaro ng high school ball sa Midland High sa Texas bago lumipat sa College of Eastern Utah noong 1996. Bumalik sa Midland Junior College ng sumunod na taon. At sa pagtatapos ng kanyang ikalawang season, nag-apply sa 1999 NBA Draft ngunit umatras din at naglaro naman ng kanyang dalawang seasons para sa Weber State at dalawang beses na tinanghal na Big Sky Conference Player of the Year. (Ulat ni ACZaldivar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended