Katatagan sa liderato asam ng Letran Knights
August 22, 2003 | 12:00am
Sisikapin ng Colegio de San Juan de Letran na maging matatag sa pangkalahatang pamumuno at makalapit sa Final Four ng NCAA mens basketball tournament sa pamamagitan ng kanilang tagumpay ngayon.
Makakasagupa ng CSJL Knights ang College of St. Benilde sa unang seniors game sa alas-2:00 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng kanilang junior counterparts sa alas-11:30 ng umaga.
Nagsosolo sa liderato ang Letran taglay ang 7-3 win loss slate kasunod ang defending champion San Sebastian College at Jose Rizal University na tabla naman sa 7-4.
Nais masundan ng Knights ang nakaraang 76-56 panalo kontra sa karibal na SBC Red Lions at kasabay nitoy maduplika ang kanilang 77-75 pamamayani laban sa CSB Blazers sa kanilang unang paghaharap.
Nakasalalay sa mga kamay nina Ronjay Enrile, Boyet Bautista, Jonathan Aldave, Jonathan Pinera at Billy Ray Anabu ang katuparan ng kanilang layuning ito.
Sa ikalawang seniors game sa dakong alas-4:00 ng hapon, hangad namang manatili sa kontensiyon ng University of Perpetual Help Rizal sa kanilang pakikipagharap sa Bedans na nais namang lumakas ang tsansa sa Final Four.
Ang Philippine Christian University at College of St. Benilde ay halos sibak na sa kontensiyon bunga ng parehong 3-8 record. (Ulat ni CVOchoa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 25, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am
November 24, 2024 - 12:00am