^

PSN Palaro

Sports Tourism Bagong Uso

GAME NA! - Bill Velasco -
Sino ba ang mga nakikinabang tuwing may bakasyon? Karaniwan, ang mga anak ay masaya na kung makakita lang ng dagat o swimming pool. Ang mga ina ay mahihilig mamili ng mga bagay na hindi nakikita sa kanilang lugar (at nagiging numero unong biktima ng mga gumagawa ng souvenir). Pero ang mga ama, na siyang gumagasta, ay madalas walang ginagawa kung di bumuntot sa asawa't anak.

Di na ngayon.

Sa ilalim ng Department of Tourism, sa pamumuno ni Kalihim Dick Gordon, palalaganapin ang sports tourism, na siyang bagong umiiral ngayon lalo na sa Europe. Tuwing magkakaroon ng mga grupo ng turista, kasabay nito'y may mga pagkakataon para sila'y maglaro ng golf, mag-scuba diving, o manood ng kung anu-anong sport. Dahil dito, ginaganahan ang mga padre de pamilya na magplano ng biyahe, dahil sila man ay malilibang din.

Magandang senyales ito para sa lokal na sports industry, dahil magiging bahagi na ang mga kaganapan sa Pilipinas sa programang panturismo ng ating pamahalaan. Mainam din na ang isa sa mga namumuno ng programang ito ay si dating PSC Commissioner Cynthia Carrion, na nakakaintindi ng sports. Karapat-dapat lamang na mapanood ng mga dayuhan ang Philippine Open, PBA, Formula 3, stakes races, Philippine boxing championships at iba pang aktibidades sa sports. Dito lang nila matutunghayan ang mga pandaigdigang kampeon ng kasalukuyan at kinabukasan.

Hindi lamang ang mga tulad ng Boracay ang kanilang pupuntahan. Mapapadpad rin sila sa Subic, Cebu, Davao, Camiguin, Ilocos at mga lugar na pagdarausan ng mga sporting events. Di lamang piyesta ang sasalihan, pati mga laro. May mga pagkakataon din na maging bahagi sila ng aksyon, tulad ng mga pro-am ng mga golf tournaments, o mga fans' day ng iba-ibang liga.

Nawa'y magtagumpay ang programang ito ng DOT, dahil maraming dapat ipagmalaki ang Pilipinas sa sports.
* * *
Samantala, lumiham sa inyong lingkod ang isang mag-aaral na nagngangalang Joseph Nepomuceno na may hatid karagdagang impormasyon hinggil sa kalokohang naganap sa laban ng Talk 'N Text Phone Pals at Red Bull Barako noong isang Miyerkules.

"Palagay ko po okay lang yung ginawa ng Talk 'N Text na pagtawag ng sobrang timeout, pero mali yung ginawa nilang pag-shoot sa side ng Red Bull. Nabasa ko po yung article ninyo noong Sunday na may pamagat na "KAHIHIYAN." Ginawa na po dati yung pagtawag ng timeout ng coach ng Phoenix Suns laban sa Boston Celtics. 1969 yata," dagdag niya. "Wala pang 3-points noon. Nagkagulo pa nga po dahil tumakbo na sa dugout yung mga player ng Boston pero may natitira pang oras. Nagpa-technical sila to advance the ball to midcourt. Pumasok yung technical free throw ng Boston pero pumasok din yung attempt ng Phoenix kaya nag-triple-overtime. Nanalo pa rin ang Boston."

Mayroon ding pagkakataon na nagtawag ng sobrang time-out si Larry Bird sa isang laban ng Boston sa Boston Garden. Lamang ng isa ang kalaban at paubos na ang oras. Backcourt inbound para sa Celtics. Naibuslo ng kalaban ang technical, kaya naging dalawa ang lamang. Pero dahil sa halfcourt na ang inbound ng Celtics, may sapat na oras para sa isang three-point shot ni Bird, na siyang nagpanalo sa Celtics.
* * *
Huwag kaligtaang manood ng Basketball Show sa IBC-13 sa Sabado, alas 4 ng hapon.

BASKETBALL SHOW

BOSTON CELTICS

BOSTON GARDEN

COMMISSIONER CYNTHIA CARRION

DEPARTMENT OF TOURISM

JOSEPH NEPOMUCENO

KALIHIM DICK GORDON

LARRY BIRD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with