Dolphins yuko sa Stags
August 21, 2003 | 12:00am
Kumawala ang defending champion San Sebastian College sa ikatlong quarter at hindi nila hinayaang magtagumpay ang paghahabol ng Philippine Christian University sa final canto upang iposte ang 82-75 panalo sa NCAA mens basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.
Nakawala ang SSC Stags sa three-way log-jam matapos ilista ang kanilang ika-pitong panalo sa 11-laro at maaaring makisalo sa liderato kung mananalo ang Mapua Institute of Technology laban sa Colegio de San Juan na kasalukuyang naglalaban habang sin-sulat ang balitang ito.
Kumawala sa dikdikang laban ang San Sebastian nang kanilang kunin ang 12-puntos na kalamangan bago matapos ang ikatlong quarter, 59-47 at 61-49.
Sa unang laro, nanaig din ang SSC Staglets kontra sa PCU Baby Dolphins, 76-72 sa juniors game para sa double celebration ng Baste.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended