^

PSN Palaro

Cardinals nais makasalo sa liderato

-
Tangkang makisalo ng Mapua Institute of Technology sa pangkalaha-tang pamumuno sa pakikipagharap sa Jose Rizal University sa pagpapatuloy ngayon ng NCAA men’s basketball tournament sa Rizal Memorial Coliseum.

Magsasagupa ang MIT Cardinals at JRU Heavy Bombers sa alas-4:00 ng hapon pagkatapos ng sagupaan ng defending champion San Sebastian College at Philippine Christian University sa alas-2:00.

Nasa solong ikalawang puwesto ang Mapua taglay ang 6-3 record sa likod ng kasalukuyang lider na 7-3 record ng Colegio de San Juan de Letran na walang laro ngayon.

Nakasunod naman ang SSC Stags at JRU Heavy Bombers na may 6-4 record katabla ang pahingang San Beda College.

Kapwa nais ng Cardinals at ng San Sebastian na maiposte ang ika-lawang sunod na panalo.

Ang Baste ay nanaig kontra dating lider na SBC Red Lions at sa kulelat na College of St. Benilde (3-8).

Tinalo naman ng Ma-pua ang mga bigating Letran Knights at San Sebastian kaya mataas ang kanilang morale sa larong ito.

Sa unang pagkikita ng Cardinals at ng Jose Rizal noong July 2, namayagpag ang Mapua sa pamamagitan ng kanilang 91-77 pananalasa.

Bagamat natalo ang Jose Rizal ng tatlong sunod, nakabawi naman sila sa PCU Dolphins, 88-79 noong nakaraang linggo.

Sa pambungad na laban, magsasagupa naman ang PCU Baby Dolphins at SSC Stags sa alas-11:00 ng umaga para sa juniors division.

Ang ikalawang juniors game ay sa pagitan ng JRU Light Bombers at MIT Squires, sa ikaapat at huling laro, alas-6:00 ng gabi. (Ulat ni CVOchoa)

ANG BASTE

BABY DOLPHINS

COLLEGE OF ST. BENILDE

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LETRAN KNIGHTS

LIGHT BOMBERS

MAPUA

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with