Si Bustamante, paborito sa torneo ay mabilis na dinispatsa ang kalabang si Corey Harper, 11-2 bago pinayuko si Alex Lely ng Netherland na nakausad naman sa last 16 sa Cardiff, 11-4.
Gayunpaman, ang suwerte ni Bustamante ay nagdala sa kanya para harapin ang beteranong Pinoy na si Santos Sambajon sa susunod na round.
Binigyan naman ng mahigpit na laban ni Teddy Garrahan si Reyes, na tinalo ang world Pool Champion na si Thorsten Hohmann sa Cardiff, bago siya pinataob ni Reyes, 11-7. Nagpamalas ng mahinahong laro si Reyes sa sumunod na laban upang igupo si Mike Davis, 11-1
At sa labang tinaguriang kapana-panabik na match up, ang Pinoy na tinaguriang The Magician na kauupo lamang sa Hall Of Fame at kampeon noong 1999 World Pool Championship ay makikipagharap kay 2001 winner Mika Immonen.
Ang iba pang big winner sa naturang torneo ay ang 54 anyos na beteranong Pinoy na si Jose Amang Parica na kamakailan lamang ay tinalo si Reyes 11-4.
Dinaig ni Parica si Mike OConnor, 11-1 bago sinargo ang European star na si Fabio Petroni ng Italy, 11-2. Makakaharap naman niya ang mapanganib na si Troy Frank sa susunod na round. (Ulat ni Dina Marie Villena)