Ang mga womens bowler ay magrorolyo ng 10 games ngayon, habang ang mga lalaki ay magpapagulong ng 12 games bukas.
Ang top 28 ladies at 28 men base sa kanilang kabuuang pinfalls ang siyang uusad sa second round sa Miyerkules, Aug. 20 sa SM Megamall Center. At ang kani-kanilang iskor ang siyang magdadala sa kanila. Ang men at ladies bowlers ay lalaro ng 12 at 10 games o higit pa upang madetermina ang top eight sa bawat division na lalahok sa quarterfinals, semi-finals at finals sa Biyernes, Aug. 22 sa Bowling Inn.
Ang quarters, semis at finals ay isang best-of-three, head-to-head matches na ang pairings ay madedetermina sa pamamagitan ng rankings ng mga bowlers makaraan ang ikalawang araw ng competitions.
Ang mens at ladies champion ang magdadala ng bandila ng bansa international finals na nakatakda sa Sept. 27 hanggang Oct. 4 sa Planet Sipango sa Tegucigalpa, Honduras.
Huling kumampanya sina C.J. Suarez at Jojo Canare sa international finals sa Riga, Latvia noong nakaraang taon.