Altas taob sa Blazers

Humakot si Ronald Capati ng 22 puntos upang trangkuhan ang St. Benilde na maitakas ang 69-60 panalo kontra sa University of Perpetual Help-Rizal kahapon sa pagpapatuloy ng 79th NCAA men’s basketball championships sa Rizal Memorial Coliseum.

Ito ang ikatlong panalo ng Blazers kung saan naipaghiganti nila ang kabiguang nalasap sa mga kamay ng Altas sa una nilang paghaharap , 68-76.

Humakot rin si Capati ng 14 rebounds upang pamunuan ang 15 puntos na kalamangan sa third quarter kung saan siya rin ang tumapos sa paghahabol ng Altas nang kanyang kanain ang 4-0 salvo na nagselyo sa kanilang 69-60 panalo.

Bunga nito, bahag-yang nabuhayan ng pag-asa ang Blazers na maka-sama pa sa susunod na round at kailangan nilang maipanalo ang nalalabing apat na laro, habang tuluyan ng dumausdos ang Altas sa kanilang kampanya sanhi ng 3-8 kartada.

Sa isa pang seniors game, pinayukod ng Jose Rizal University ang Philippine Christian University, 88-79.

Sa juniors game, namayani rin ang CSB sa UPHR Altalettes, 89-69, habang naigupo naman ng Baby Dolphins ang Light Bombers, 69-68. (Ulat ni Maribeth Repizo)

Show comments