UAAP ROUNDUP
August 12, 2003 | 12:00am
Womens Basketball:
Lady Archers Yuko Sa Lady Maroons
Umiskor si Maria Camille Dowling ng 19 puntos at nagdagdag naman si Jacklyn Marie Cruz ng 15 puntos nang pabagsakin ng University of the Philippines ang defending womens basketball champion na De La Salle, 62-54 noong Linggo sa 66th University Athletic Association of the Philippines sa Adamson U gymnasium.
Humatak rin ang 5-foot-6 na si Dowling ng 16 rebounds at isang assist para pangunahan ang Lady Maroons na ihatid ito sa pakikisalo sa ikalawang puwesto sa Adamson Lady Falcons na parehong may malinis na 3-0 win-loss record.
Nalasap ng Lady Archers na binanderahan naman nina Aimee Jane Manosca at Regina Victoria Velarde ng 14 at 13 puntos, ayon sa pagka-kasunod ang kanilang unang pagkatalo sa tatlong laro.
Sa iba pang laro, ginapi rin ng Adamson ang University of Santo Tomas, 75-58.
Volleyball:
Feu Sinilat Ng Nu
Ipinakita naman ng National University ang kanilang supremidad nang kanilang hiyain ang Far Eastern University sa straight sets noong Linggo upang iposte ang isang malaking upset sa volleyball na ginaganap sa UP Human Kinetics gym.
Nangailangan ang Bulldogs ng 56 minuto upang itala ang 25-21, 25-13, 25-18 pamamayani na nagkaloob sa kanila ng unang panalo matapos ang limang pakikipaglaban.
Hindi nagawang makaporma ng Tamaraws sa laban makaraang ibangko ni coach George Pascua ang kanyang ace tosser na si Reynaldo Baldomero Jr., para bigyan ng disciplinary action bunga ng pagliban nito sa lahat ng ensayo ng FEU mens team noong nakaraang linggo. Ito ang unang kabiguan ng FEU matapos ang apat na dikit na panalo.
Sa iba pang laro, namayani ang DLSU sa University of the East, 25-21, 25-16, 25-14, pinabagsak ng UST ang Adamson, 25-16, 25-7, 25-19.
Sa womens division, sinilat ng UP ang Ateneo sa marathon na 95 minutong sagupaan, 26-24, 22-25, 25-18, 25-18.
CHESS:
Bumangon ang De La Salle sa kanilang opening-day loss nang umiskor ng back-to-back na panalo nitong weekend upang hawakan ang pangunguna matapos ang tatlong round ng mens chess action ng 66th UAAP season.
Ipinamalas ng Green Archers na kahit wala ang kanilang alas na si Oliver Dimakiling na nanguna sa pagkopo ng korona sa nakaraang season, nagawa pa rin nilang iposte ang malinis na 4-0 panalo kontra sa Ateneo noong Sabado at Adamson noong Linggo.
Pinangunahan ng national junior standout na si John Paul Gomez ang nasabing kambal na panalo ng Green Archers nang magtala ito ng 9.5 puntos na isang puntos na lamang sa UP at 1.5 naman sa first-round tormentor na UST.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended