Cagayan de Oro leg, dominado ng mga tinedyer
August 11, 2003 | 12:00am
Ipinamalas ng mga teenager na mas malakas ang kanilang stamina nang kanilang dominahin ang 20-K qualifying race ng 27th Milo Marathon regional elimination race sa Southern City ng Cagayan de Oro City kahapon ng umaga.
Binura ng 19-anyos na si Juniel Languido ang mapait na kabiguan makaraang maligaw ng landas patungo sa finish line sa Gregorio Pelaez Sports Complex noong nakaraang taon na naging sanhi ng kan-yang pagkakadiskuwalipa, nang kanyang pagharian ang mens 20K.
At sa pagkakataong ito, siniguro ng tubong Malaybalay, Bukidnon na si Languido ang kanyang tagumpay nang kumawala sa four-man lead pack upang solong tawirin ang finish line sa tiyempong 1:05:58 at pangunahan ang mga regional qualifiers sa Milo Marathon finals sa Manila sa October kasama ang mga runners-up na sina Jaime Canillo at Roger Sawinay.
"Tuloy-tuloy lang ensayo ko mula nung last year na MILO Marathon, gusto ko talagang makabawi ngayon. Sa finals, top ten lang target ko dahil maraming malalakas doon," pahayag ni Languido na kumita ng P10,000 na ang ibang parte nito ay kanyang ibibili ng magkapares na running shoes para magamit sa finals ng Milo Marathon na idaraos ngayong ta-on sa pakikipagpareha sa Bayview Park Hotel, Cebu Pacific, Adidas, Powerbar, My Globe at ng Department of Tourism.
Tumapos naman ang 24-anyos na si Canilo, mula sa Iligan ng ikalawang puwesto sa kanyang isinumiteng 1:07:17 na sinundan ng tubong Bukidnon na si Sawinay na nagposte ng 1:08:43.
Sinungkit ng magkapatid na Tolentino sina Aileen at Ellen ang 1-2 pagtatapos kung saan mas ipinakita ng nakababatang si Aileen, 19-anyos ang kanyang supremidad kumpara sa 21-gulang na si Ellen nang humulagpos ito sa huling 400 metro upang trangkuhan ang nasabing division.
Naorasan si Aileen, second year student sa Lapasan National High, ng 1:31:42 na tumakip sa 1:31:50 ni Ellen.
Nakasama ng Tolentino siblings sa finals si Niecel Topia, 18-anyos na nagtala ng 1:35:01 at nagbulsa ng P3,000.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended