Sinabi ni Sen. Robert Barbers, chairman ng senate committee on games, amusements and sports, dadaan pa naman sa proper summary deportation proceedings ang mga inirekomenda ng komite na sina Paul Asi Taulava ng Talk N Text, Andy Seigle ng Purefoods, Jonathan Ordonio ng Alaska, Davonn Harp ng Red Bull at Rudolf Hatfield ng Coca-Cola.
Bukod dito, wika pa ni Barbers, tatlo pang dayuhang manlalaro sa PBA na sina Dorian Peña ng San Miguel, Michael Pennisi ng Red Bull at Alex Vincent Crisano ng Ginebra ang inirekomenda naman ng komite na isailalim sa further investigation ng Department of Justice at BI kaugnay sa kuwestiyonableng pagiging Filipino.
Ayon pa sa mambabatas, ang 5 dayuhang cagers ay nabigong patu-nayan sa komite na mayroon silang dugong Pinoy batay na rin sa isinagawang imbestigasyon ng kanyang team na nagtungo sa ibat ibang lalawigan na umanoy pinanggalingan ng mga ninuno nito.